top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Para sa mga food is life riyan... SANTOL, EPEKTIB NA PANLABAN SA LBM!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2019
  • 2 min read

SANTOL, ito ‘yung sinasabi kapag nag­tatanong ka sa kaibigan mo kung saan kayo pupunta, joke! He-he-he! Kidding aside, knows ba ninyo na nakapagpa­pagaling ng diarrhea at constipation ang pagkain ng santol? Woah! Talaga ba?

Base sa nai-published sa health.com, sinasabing ang santol umano ay nagkokontamina ng maraming nutrients na hindi lamang sa mismong prutas makukuha kundi maging sa dahon at ugat nito.

Sa katunayan, ginagamit itong traditional me­dicine sa Southeast Asia.

Gayunman, dahil sa Vitamin C na mayroon ang santol, ito ay mainam para sa pagmamantina ng healthy skin at pagde-delay ng premature aging da­hil sa antioxidants na nakapagpapabagal ng oxi­dation process sa katawan.

Samantala, kung mayroon kayong fungus sa mga kuko, mainam ang santol para rito dahil sa sa­po­genin na matatagpuan dito na nakatatanggal ng bakterya.

Kung ang balot ay mainam sa pagpapalakas ng mga tuhod, gayundin ang santol dahil mayaman ito sa calcium at phosphorus.

Dagdag pa rito, maging sa mga kagat ng insekto tulad ng ipis ay epektibo ito kung saan natural, or­ganic, odorless at chemical-free pa, nakape-pre­vent din ito ng diabetes, anemia, alzheimer at cancer.

Maliban pa rito, ang santol ay punumpuno ng fi­ber na nakapagpapaganda sa estado ng tiyan kung saan sa oras na nakaranas kayo ng impatso, eh, dehins na ninyo kailangan uminom ng pampakalma rito dahil santol lang, sapat na! Hi-hi-hi!

Kaya kung gusto ninyo ng gamot na healthy, make sure na kakain kayo ng santol, okie?

Basta mag-ingat lang kayo sa buto nito, gets n’yo?

Oh, ayan, sino ba ang ayaw ng masarap na ga­mot para sa iba’t ibang sakit, ‘di ba, wala? Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Subukan na ninyo ito kung sakaling may iniinda kayo.

Have a healthy lifestyle, mga lodi!

Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page