Pagpataw ng VAT sa mga gamot para sa diabetes, high cholesterol at hypertension

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Noong isang buwan ay nagbakasyon kami ng aking pamilya at hindi ko nadala ang aking medicine bag kaya kinailangan kong bumili ng gamot para sa aking mataas na cholesterol. Nagtaka ako dahil pinatawan ang gamot ko ng 12% Value Added Tax (VAT) ng botikang pinagbilhan ko nito. Nais kong malaman kung tama ba ito? — Dolores
Dear Dolores,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 34 ng Republic Act No. 10963 o mas kilala bilang “Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN),” na:
“Section 34. Section 109 of the NIRC, as amended, is further hereby amended to read as follows:
Section 109. Exempt Transactions – (1) Subject to the provisions of subsection (2) hereof, the following transactions shall be exempt from value-added tax:
Xxx
AA. Sale of drugs and medicines prescribed for diabetes, high cholesterol and hypertension beginning January 1, 2019; xxx”
Ibig sabihin, simula noong ika-1 ng Enero ngayong 2019 ay wala nang ipapataw na value added tax (VAT) sa mga gamot para sa diabetes, high cholesterol at hypertension.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.





Comments