top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LA SALLE, MAKAKABAWI BA SA FOOTBALL KONTRA UP?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2019
  • 1 min read

TIYAK na magliliyab ang Rizal Memorial Coliseum sa nagbabadyang aksyon sa football field ngayong Huwebes (Mayo 9) para sa UAAP Men’s Football Tournament Final Four ng 2 p.m.

Haharapin ng kampeon na University of the Philippines (UP) Fighting Maroons ang pumapangatlong-puwestong De La Salle University (DLSU) Green Booters ng 2 p.m. at masisilayan ng live sa S+A at iWant Sports.

Samantala,magbabanggaan naman ang nangungunang Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles at ang ika-apat na puwestong Far Eastern University Tamaraws ng 4 p.m.

Hindi naging maganda ang simula ng taon para sa Ateneo sa football pero nakuha nila ang kanilang dating porma sa tulong ng football phenom na si Jarvey Gayoso upang tapusin ang eliminations ng may 8-2-4 win-draw-loss na record at maungusan ang FEU na nangunguna noon.

Hindi naman pinalad ang Tamaraws dahil dalawang sunod na talo ang tumuldok sa kanila bago ang Final Four, rason para bumagsak sila sa ika-apat na puwesto.

Sa kabilang banda naman, kinailangan ng UP Fighting Maroons ang lahat ng kanilang mapipiga sa koponan para umabot sa Final Four sa magandang laro nina JB Borlongan at Kintaro Miyagi kontra FEU para pumasok sa ikatlong puwesto.

Nasungkit naman ng mga kampeon ang ikalawang puwesto sa likod ng Ateneo nang talunin ng DLSU ang FEU sa tulong ng goal ng kanilang rookie na si Xavier Zubiri.

Maaasahan ng football fans na ibibigay ng FEU at DLSU ang lahat upang hindi sila matanggal sa laban para sa korona sa kanilang pagharap sa UP at Ateneo sa Huwebes. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page