Inflation rate, muling bumulusok

SA ikaanim na magkakasunod na buwan, muling bumaba ang inflation rate sa bansa para sa buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.
Sa ipinalabas na impormasyon ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 3% inflation rate na mas mababa sa 4.5% na naitala noong Abril ng nakaraang taon at 3.3% noong Marso ngayong 2019.
Sinabi ni PSA Assistant Secretary Josie Perez na ang bumulusok na inflation ay dahil sa pagbaba ng presyo ng ilang mga bilihin.
“The main drivers in the downtrend of inflation in April 2019 were food and non-alcoholic beverages; alcoholic beveregaes and tobacco; and housing, water, electricity, gas, and other fuels,” paliwanag ni Perez.
Naitala ang malaking pagbaba ng mga presyo sa National Capital Region (NCR) habang mataas naman sa MIMAROPA Region.
Ang pinakahuling inflation rate ay sakop pa ng naunang tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2.7% hanggang 3.5%.
Sinusukat ng inflation rate ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa isang takdang panahon.





Comments