HARDEN, BIDA SA 38 PTS. PATAS NA SA WARRIORS


NAKAPAGTARAK si James Harden ng impresibong game-high 38 points , may 10 rebounds habang sina Eric Gordon at P.J. Tucker ay nakatulong upang iangat sa panalo ang Houston Rockets sa Western Conference semifinal series kontra sa bisitang Golden State Warriors sa bisa ng 112-108 na panalo sa Game 4 ng NBA 2nd round playoffs kahapon.
Patas na ang best-of-seven series sa tig-dalawang panalo para sa susunod na Game 5 ay idaraos sa Oakland, California. Nakapagtarak si Gordon ng 20 points habang nakatapos si Tucker ng 17 points at 10 rebounds.
Umuulan ng tres puntos ang Houston at halos manaig sa GSW nang tapatan sila sa parameter shootings, dagdag pa ang minamalas na mga tirada nina Kevin Durant at Stephen Curry sa papakulapsong oras kung saan nangunguna ang Rockets sa tatlong puntos bagamat sumablay si Harden sa ikalawang dalawang free throws. Nakapagsalpak si Chris Paul (13 points) ng isa sa dalawang foul shots sa nalalabing 2.9 segundo at tuluyang iselyo ang panalo ng Rockets. Lumalamang ang Rockets ng 17 points, lamang din sa 50-43 rebounding at nakagawa ng 11 second-chance points.
Nasayang ang 34 puntos na nagawa ni Durant habang si Curry ay may 30. Si Klay Thompson ay may 4 puntos, may 15 puntos si Draymond Green at 5 assists para sa Warriors. Bumomba pa ang Houston ng tres sa 2nd quarter, sinimulan ni Harden ang isang 26 footer sa nalalabing 7:12 upang iangat ang Rockets sa 39-37 lead.
Dumagdag sina Harden at Iman Shumpert ng 3-pointers bago nakumpleto ni Gordon ang 3-point play, nakasalpak si Austin Rivers ng trey para umalagwa sa 20-6 run ang Rockets. Samantala sa iba pang laban, umiskor ng 9 puntos si George Hill sa gitna ng paghahabol ng Milwaukee Bucks sa 3rd quarter sa tulong ng tila magiging NBA Most Valuable Player na si Giannis Antetokounmpo bagamat may foul trouble ito ay kumomando ang Bucks sa pangunguna sa Eastern Conference semifinals nang talunin ang Boston Celtics, 113-101 kahapon. (MC/ATD)





Comments