top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Binata, nagbigti gamit ang sintas, dedbol

V. Reyes
May 8, 2019
1 min read

TINAPOS ng 23-anyos na lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag­bibigti gamit ang mga sintas ng sa­patos sa Lungsod ng Que­zon, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Gerald Su­mingin Ham­merslo, construction wor­ker, residente ng Visayas Avenue, Bgy. Culiat, Quezon City.

Batay sa paunang pagsi­siyasat ni Po­lice Staff Ser­geant George Caculba ng Quezon City Police District (QCPD), natagpuang naka­bigti ang lalaki sa loob ng banyo ng kanilang bahay.

Ayon sa kapatid ng bik­tima na si George, nagma­madali siyang magtungo sa kanilang palikuran dahil sa tawag ng kalikasan ngunit, nabulaga na lang siya sa nakabigting katawan ng ka­patid.

Agad humingi ng sak­lolo si George sa kanilang mga kapitbahay at nang ma­ibaba ang katawan ng na­kabigting ka­patid ay isinu­god pa nila ito sa Quezon City General Hospital ng­unit, hindi na rin ito umabot nang buhay.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga aw­to­ridad ang in­sidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page