Alyas Bikoy na bumabanat sa mga Duterte, buking na scammer at estapador
- BULGAR

- May 8, 2019
- 2 min read
DAPAT IBALIK SA MERKADO ANG P27 PER KILO NA NFA RICE—Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) na ang local regular milled rice ang dating presyo na P40 per kilo ay mabibili na raw ngayon sa presyo na P32 per kilo.
Hanep, ha? Nagawa pa nilang ipagmalaki ‘yan, eh, hindi naman P32 per kilo ang gusto ng mga mahihirap kundi ibalik sa merkado ang nawalang abot-kayang presyo na P27 per kilo ng NFA rice na kayang bilhin ng mga maralita, period!
◘◘◘
‘BIKOY’, SCAMMER AT ESTAPADOR PALA—Lumantad na si Peter Joemel Advincula na kilala sa alyas Bikoy na nagbulgar na sangkot daw sa sindikato ng iligal na droga sina Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte at ex-SAP Sec. Christopher “Bong” Go.
Noong una, maraming humanga sa kanyang “tapang” sa ginawa niyang paglantad, pero ang masaklap, may nakakilala sa kanya na siya pala ay scammer at estapador.
Dahil d’yan, ang mga dating humahanga sa kanya ay bina-bash na siya ngayon sa social media, he-he-he!
◘◘◘
NANLOLOKO LANG YATA SI ‘BIKOY’; “BONG” GO, NAGPAPALOKO NAMAN—Sa ikalawang pagkakataon ay naghubad na naman sa harap ng publiko si ex. SAP Christopher “Bong” Go para ipakita ang kanyang likod na wala siyang dragon tattoo at hindi siya kasapi ng Chinese Triad Drug Syndicate tulad ng alegasyon ni “Bikoy”.
Tingin natin di’yan, dahil scammer at estapador itong si “Bikoy” ay niloloko lang nito si “Bong” Go at ang nakakaloko ay nagpapauto namang si “Bong” Go kasi hubad siya nang hubad in public, ha-ha-ha!
◘◘◘
KAILAN IPATO-TOKHANG NI COL. GARMA ANG MGA ILIGALISTANG SINA ‘REDEN’ AT “WACKY”? —Isang “Reden” daw ang may pa-jueteng at “Wacky” naman ang may pa-masiao sa Cebu City.
Kailan kaya ipato-"tokhang” ni Cebu City Police Director, Col. Royina Garma ang dalawang iligalistang ito? Abangan!





Comments