3 miyembro ng Dengdeng Crimimal Group, tiklo

TIMBOG ang tatlong miyembro habang nakapuslit ang lider ng notoryus na Dengdeng Criminal Group at isa pa nilang miyembro sa isinagawang operasyon ng Manila CIDG, SWAT at Smokey Mountain Police Community Precint, kahapon ng madaling-araw sa Balut, Tondo, Manila.
Kinilala ang mga naaresto sa isinagawang sabayang pagsisilbi ng search warrant na sina John Villanueva alyas Aljon at Bato; Jonathan Reyes alyas Jonathan Timan at Tantan at Virgilio Nico Santos alyas Kambal.
Hindi naman nahuli ang isa pa nilang miyembro na si Ron Bryan Legaspi alyas Bunso at ang kanilang lider na si John Christian Atanacio alyas Dengdeng.
Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon sa bisa ng search warrant na inisyu ni Branch 89 Quezon City, Judge Cecilyn Burgos-Villavert.
Ayon sa pulisya, sangkot ang grupo sa pagbebenta ng shabu, robbery holdup, gun-for-hire at carnapping.
Samantala, narekober sa operasyon ang ilang armas at shabu na nagkakahalaga ng P28,000.





Comments