1St LEG TRIPLE CROWN PHILRACOM STAKES RACE

AARANGKADA sa Mayo 26 ang 2019 PHILRACOM “1St Leg Triple Crown Stakes Race” sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Bukas sa lahat ng 3 year old locally born na magdadala ng timbang na 52 kg. ang babae habang 54 kg. ang lalaki.
Tatanggap ng P1.8-M bilang papremyo ang tatanghaling kampeon, habang tatanggap ang 2nd place ng P675,000, at tatanggapin ng 3rd place ang P375,000 at P150,000 sa 4th place.
Ayon sa Philracom may nomination sa Mayo 14 at Declaration ang mga kabayo sa Mayo 20. Kasabay nito magaganap din ang 2019 Philracom Hopeful Stakes Race na paglalabanan ng mga 3 year Old Local Horse na hindi nakasali sa Triple Crown.
Ang mga kalahok sa Hopeful Stakes Race ay bukas sa lahat ng hindi makakatakbo sa 1st Leg Triple Crown.
Tatanggap ng P600,000 ang tatanghaling kampeon habang ang 2nd place ay makatatanggap ng P225, 000, P125,000, sa 3rd place at tatanggap ng halagang P50,000 ang tatanghaling 4th place.
Samantala, magaganap ang karera ngayong hapon sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Sa race 1, magaganap ang Pick 5 at pinapaboran ang Belle Royale, habang panegundo ang Mount Pulag at paglalabanan ang Condition Race (17) at pinapaboran ang Shire at Miss American Pie at pandehado ang Batas Kamao sa Race 2 na umpisa ng Winner take All (WTA)
Ipinapatok ang Avenue Shopper sa Race 3, samantala ang Entry No.2 (AllByMySelf at Calaguas Island) ay may tsamba habang sa Race 4 ipinapatok ang Certain To Win habang ang Hari ng Bastos ay tsamba ang panalo.
Maglalaban ang Manila Boy at Derham Park sa Race 5 at Race 6 ang White Chocolate at Winning Move ang maglalaban, habang sa Race 7 inaasahan na mananalo ang Crystal Creek at Magaskawee sa Race 8.
Tip Ni Mang Ding Race 1-Belle Royale (2) More Stripes (3) Race 2- Shire(9) Superal (8) Batas Kamao (6) Race 3- Avenue Shopper Kissing Bandit (1) Entry No. 2
Race 4-Certain To Win (3) Headmastership (4) Race 5- Manila Boy(2) Demham Park (5) Race 6- White Chocolate (3) Winning Move (8) Race 7- Cristal Creek (5) Proof It (8) Race 8- Magaskawee (1) Entry No.4





Comments