top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

“DOUBLE GOLD’ HOSPITALITY AT C’SHIP, ‘PINAS WINNER”- ROMERO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2019
  • 2 min read

WORLD class hospitality na inaasahang ipakikita ng mga Pinoy ang maghahatid ng dagdag na karangalan kasunod ng pagwawagi sa overall championship sa nalalapit na 30th SEA Games sa bansa sa Nobyembre.

Habang inaasahan namang magiging isang mahusay at maayos na hosts ang mga Pinoy para sa 11-araw na sports extravaganza, nananawagan si Mikee Romero ng 1Pacman sa lahat ng national athletes na mag-training na mabuti at doblehin ang sipag sa pag-eensayo, ibigay ng buong puso ang makakaya para sa kompetisyon upang mas lumaki ang tsansa na pagwagian ang overall championship.

We can achieve a SEAG double if we will win also the overall championship for the first time since 2005,” ayon kay Romero. “With the way our officials are doing their jobs I’m sure we will have a successful hosting of the biennial meet.”

“That way we will have a double celebration,” dagdag pa niya, na nagsilbing Godfather ng Philippine basketball team na nagwagi ng gold medal sa Ratchasima, Thailand noong 2007.

Nang mag-host ang bansa ng SEA Games noong 2005, tumingkad ang galing ng Pinoy athletes sa kompetisyon matapos ang paghamig ng kabuuang 113 gold medals, 26 na nakalalamang kaysa sa Thai athletes.

Bukod sa pagiging owner ng NorthPort club sa PBA, si Romero rin ang chairman ng pinakamalaking Polo association na nakapaghatid na ng tatlong gintong medalya sa bansa. Pinuri rin niya ang ginawang hakbang ng Philippine SEAG Organizing Committee sa paglunsad ng volunteer program na makatutulong nang malaki sa foreign athletes, coaches at manonood.

Ang volunteers ay ipadadala sa iba’t ibang venues sa Tarlac, Subic, Bulacan, La Union, Tagaytay at Manila. “Let us embrace the ‘bayanihan’ spirit so that they will know how gracious we are as hosts,” ayon kay Romero, na nanguna rin sa shooting team sa London Games noong 2012.

Habang maaga pa ngayon, hinihikayat ni Romero ang mga lokal na opisyal na mag-display na ng SEAG banners sa mga lansangan upang mapalakas ang kaalaman ng taong bayan hinggil sa darating na biennial event. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page