Provincial bus ban sa Edsa, sinuspinde ng MMDA

SINUSPINDE muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry-run para sa pagba-ban sa mga provincial bus terminal sa EDSA dahil wala pang guidelines.
Ayon ito kay MMDA General Manager Jojo Garcia, makaraang makipagpulong sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Binigyan-linaw ni Garcia, na ang pansamantalang pagsuspinde ng ahensiya sa pag-ban ng provincial bus terminals ay walang halong politika kung saan sa Mayo 13 ay idaraos na ang eleksiyon.
Gayunman, ayon kay Garcia, sa kabila na pansamantalang suspensiyon ng dry-run sa pag-ban ng provincial bus terminals, mariin pa ring ipinagbabawal ang mga ito na mag-loading at unloading ng mga pasahero sa kahabaan ng EDSA.
Ang naturang polisiya ay bunga ng Metro Manila Council (MMC) Regulation Number 19-002 sa pamamagitan ng pag-revoke at kanselasyon ng business permits sa lahat ng provincial bus terminals sa kahabaan ng EDSA na inaprubahan ng Metro Manila Mayors noong Marso 2019.





Comments