PINAS MAY TSANSA SA DEMO SPORTS NG DRAGON BOAT SA TOKYO 2020

NOONG 1988 Summer Olympics sa Seoul, nilaro ang bowling bilang demonstration sport at nanalo ang Pinay na si Arianne Cerdeña ng ginto, susubukan ng Pinoy paddlers na duplikahin ang ginawa ni Cerdeña kung saan idaraos ang dragon boat bilang demonstration sport sa 2020 Tokyo Olympics matapos magtagumpay sina Asian Dragon Boat Association president Toshiko Narita at chairperson Jonne Go na mapapayag ang organizers ng pinakamalaking sports spectacle sa mundo.
Sa pagsama sa dragon boat bilang demonstration sport, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pinoy na muling ipakita ang galing sa pagsagwan na kanilang ipinamalas sa iba’t-Ibang torneo na sinalihan sa Russia, Canada, Poland at China.
“Our paddlers will have the opportunity to showcase their God-given talent and give honor to the Philippines even dragon boat play as demonstration sport like Cerdena did in Seoul, Korea in 1988,” sabi ni Go, president ng Philippine Dragon Boat/Canoe Kayak Association.
Kung magiging regular sport ang dragon boat sa Olympic Games, malaki ang pag-asang manalo ang ‘Pinas dahil may likas na galing ang mga Pinoy sa pagsagwan.
Huling idinaos ang quadrennial meet sa Brazil noong 2016 kung saan nanalo si Asian Weightlifting at Asian Indoor Games Hidilyn Diaz ng pilak.





Comments