top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pag-endorso ng mga artista sa LP, wa' epek!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2019
2 min read

HINDI PINASUSUWELDO NG TAUMBAYAN SI P-DUTERTE PARA MANOOD LANG NG NETFLIX—Matapos ang limang araw na hindi pagpapakita sa publiko, nag-viral sa social media ang larawan ni P-Duterte na nanonood ng pelikula sa Netflix at dahil dito ay binatikos siya ni Sen. Antonio Trillanes IV na kesyo tamad at astang hari raw ang pangulo.

May punto si Sen. Trillanes na batikusin si P-Duterte sa isyung ito kasi hindi siya pinasusuweldo ng taumbayan para lang manood ng Netflix sa loob ng limang araw, boom!

◘◘◘

‘BIKOY’, MALAMANG, LAGYAN DIN NG MILYONES NA REWARD PARA MATIMBOG — Isang Peter Joemel Advincula na nagpakilalang siya si “Bikoy” na nagsangkot daw sa Pamilya Duterte sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa ang humihingi ng tulong na legal assistance sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang masampahan daw niya ng kaso na may kaugnayan sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga kamag-anak ng pangulo.

Naku, baka lagyan din ng milyun-milyong reward ang ulo nito upang mahuli tulad nang ginawa kay ex-Police Col. Eduardo Acierto na matapos ibulgar na sangkot sa iligal na droga ang economic adviser ni P-Duterte na si Michael Yang ay pinatungan ito ng gobyerno ng reward na P10 million para mahuli, period!

◘◘◘

KAHIT INENDORSO NG MGA ARTISTA, LAGLAG PA RIN SA SURVEY ANG MGA TAGA-LP—Ilang showbiz personalities ang nag-endorso sa mga kandidato ng oposisyon kaya lang, parang walang patol sa publiko ang kanilang endorsement kasi laglag pa rin sa mga survey ang mga “manok” ng Liberal Party (LP).

Ang nakikita nating dahilan, mga laos na artista ang nag-endorso sa kanila kaya dedma lang ang madla, boom!

◘◘◘

MGA ‘LINGKOD-BAYAN’, KUNG HINDI SABIT SA ILLEGAL GAMBLING, SABIT SA ILLEGAL DRUGS — Matapos isangkot ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña si Cebu City Police Director, Col. Royina Garma na “patong” daw sa illegal gambling ay agad rumesbak ang babaeng police officer at isinangkot naman ang alkalde sa kalakaran ng iligal na droga sa lungsod.

‘Yan ang mga “lingkod-bayan” sa bansa kung hindi sa illegal gambling nasasangkot ay sa illegal drugs, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page