NUGGETS AT RAPTORS, 2-2 VS. BLAZERS AT 6ERS


HUMALIBAS si Jamal Murray ng 34 puntos habang may 21 puntos na kinolekta si Nikola Jokic, 12 rebounds at 11 assists nang bumida ang bisitang Denver Nuggets at makabawi sa 116-112 na panalo kontra sa Portland Trail Blazers sa NBA 2nd Round Playoffs game kahapon.
Ang panalo ng Nuggets ang pumatas sa best-of-seven series na 2-2 kung saan ang Game 5 ay idaraos sa Martes ng gabi sa Denver. Nagtala si Murray ng 11-for-11 mula sa free-throw line, kabilang na ang 6 sa huling 13.2 segundo upang matulungan ang Nuggets na palamigin ang Blazers. Rumehistro ang 7-foot na si Jokic ng ikalawang straight triple double sa ikaapat na postseason. May nagawa ring 21 puntos at 10 rebounds mula kay Paul Millsap.
Umiskor si CJ McCollum ng 29 puntos at dumagdag si Damian Lillard ng 28 para sa Blazers. Nakatipon naman si Seth Curry ng 16 points. Si Curry ay may 14 points sa second quarter nang makalamang pa ang Blazers ng 63-57 sa halftime. Nang-iwan na ang Nuggets sa 75-72 sa gitna ng 3rd quarter. Nakalamang sa Portland ng 27-14 sa quarter bitbit ang 84-77 advantage sa final period.
Lamang ang Denver, 87-77, bago nakapagtarak ng 8-0 para sa 87-85. Lumayo pa ang Nuggets sa 94-88 nang makapagsalpak si Lillard ng 3-pointer at iniangat sa 94-91 sa nalalabing 6:14 na minuto. Pero ‘di nagpatinag ang Denver at lumayo pa sa 99-93 sa nalalabing 5:16 minuto.
Samantala, sa iba pang playoff game, may nabakas na 39 puntos si Kawhi Leonard, 14 rebounds nang talunin ng second-seeded Toronto Raptors ang host Philadelphia 76ers, 101-96 upang ipatas ang Eastern Conference semifinals sa 2-2. Nakadale si Marc Gasol ng 16 points at si Kyle Lowry ay nakagawa ng 14 puntos at 7 assists para sa Toronto.
Idinaraing pa ni Pascal Siakam ang kanyang namamagang tuhod at sumablay sa unang 7 shots pero iniangat niya ang Raptors sa bisa ng 9 points at 3 nakaw. Ang Game 5 ay sa Martes sa Toronto.
Namuno si Jimmy Butler para sa 3rd-seeded Sixers sa bisa ng 29 puntos at 11 rebounds habang si JJ Redick ay nakatabo ng 19. May sakit din si Joel Embiid na may 11 puntos, 8 rebounds at 7 assists sa bisa ng score na 33.
Teripiko ang 17 points at 10 rebounds ni Leonard nang iangat niya sa 47-45 ang iskor sa halftime. Una ito sa career ni Leonard sa pagposte ng 15 points at 10 rebounds. Si Butler ang tanging Philadelphia player na may dobleng pigura, 14 points sa first half. Idinaraing ni Embiid ang masakit na kaliwang paa pero tumapos sa unang dalawang quarter na may 6 puntos at 5 rebounds. (ATD/MC)





Comments