Ligtas at delikado sa 'the big one', alamin!

KUMALAT sa Facebook ang resulta ng exit poll sa Hong Kong.
At no. 1 si Madame Imee.
Kitam?
◘◘◘
NAG-TEXT ang batikang brodkaster na si Ka Popo, nakakuha raw siya ng impormasyon na sumama raw ang loob nina Erin Tañada, Romy Macalintal at Chel Diokno nang malamang hindi sila kasali sa inendorso ng El Shaddai.
Kasi naman, 14 ang inendorso ng El Shaddai kung saan tanging sina Grace Poe at Bam Aquino lang ang isinama mula sa hanay ng oposisyon!
◘◘◘
NAGBABALA ang 3 kandidato na maaaring rumesbak o mag-backlash ang mga Katoliko.
Nalimutan ng mga ito na Katoliko ang relihiyon ng El Shaddai!
◘◘◘
ANG mga Katoliko mismo ang nag-endorso sa 14 kandidato na tinukoy ng El Shaddai.
Hintayin natin ang ieendorso ng Iglesia Ni Cristo!
◘◘◘
KAPAG nag-endorso ang INC, d'yan puwedeng mag-backlash ang mga debotong Katoliko.
Pero, kasama kaya sina Tañada, Macalintal at Diokno sa susuportahan ni Ka Eduardo?
◘◘◘
HINDI tumitigil ang kuru-kuro sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon sa eksperto nating BFF na si Engr. Benito Pacheco, walang ligtas na gusali sa 'the big one'.
◘◘◘
ANG pinsala ng malakas na lindol ay hindi nakabatay sa tibay o kalidad ng gusali.
Bagkus ang pinsala ng lindol, ay nakabatay sa episentro ng lindol.
Kahit matibay ang gusali, pero nakatayo ito sa ibabaw ng episentro ng lindol, guguho 'yan.
◘◘◘
KAHIT barung-barong, pero malayo sa episentro ng lindol, hindi ito masisira.
Dapat tayong magsimula nang mag-isip kaugnay sa 'the big one'!
◘◘◘
ALIN ang ligtas sa 'the big one'?
Ang mataas na gusaling yari sa bato na nasa gitna ng episentro o ang bahay na yari sa kawayan na nasa gitna rin ng episentro?
Guguho ang gusaling bato, pero ang bahay -kubo ni Juan, uugoy at magduduyan lang!





Comments