top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Dapat tandaan upang hindi lumala ang sintomas ng perimenopause

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 42 years old at dating tindera ng isda sa palengke ngu­nit, ngayon ay tumigil na ako dahil naka­pagtrabaho na sa ibang bansa ang aking asawa. Gayun­man, ang aking prob­lema ay madalas akong nakararanas ng mga sintomas ng menopause tulad ng iregularidad sa pag­dating ng regla ngu­nit, ang sabi ng hipag ko ay sa edad ko raw ay hindi pa ako menopause at baka raw ako ay nakararanas lang ng perimenopause. Tama ba siya, ano ang inyong maipapayo? — Mercedes

Sagot

Ano ang perimeno­pause?

Isa o dalawang taon bago mag-menopause, makararanas ng peri­menopause ang kaba­baihan. Ayon sa mga pag-aaral na may kaug­nayan sa perimeno­pause ay ang nararanasang iregularidad sa pagda­ting ng regla o buwa­nang dalaw bago ang tuluyang paghinto nito.

Madalas, 3 linggo pa lang ay dumarating na ang regla o maaaring wala sa loob ng isang buwan.

May ilan ding pas­yen­te na hindi dinarat­nan ng anim na buwan ngunit, biglang bubuhos ito sa oras na muling reglahin.

Bukod dito, mapa­pan­sin ang iba’t ibang sintomas ng kababaihan na nakararanas nito.

Narito ang ilang sintomas na mapapan­sin sa kababaihan na dumaranas sa gani­tong yugto:

  • Madalas na pagi­ging bugnutin.

  • Makararamdam ito ng pananakit ng ulo, balakang at mga balikat.

  • Nakararamdam ang pasyente ng sobrang kainitan o iritableng pakiramdam kahit maaliwalas o malamig ang klima ng panahon.

  • Madalas hirap sa pagtulog ang babae sa yugtong ito kaya nasa­sabi nating masungit sila dahil kulang sila sa tulog.

  • Normal din ang kawalan nito ng interes sa pagsiping sa asawa dahil sa maraming kadahilanan.

Gayunman, nasa edad 40 hanggang 42 ang karaniwang duma­raan sa perimenopause period habang 47 hang­gang 48-anyos naman ang karaniwang edad ng pagme-menopause, partikular sa Asya.

Narito ang mga paraan na dapat tandaan upang hindi ito lumala:

  • Iwasan ang mga pagkaing maaanghang. Ito ay dahil mas paiig­tingin nito ang nararam­damang init ng katawan.

  • Ugaliing magsuot ng damit na gawa sa cotton upang mas maging komportable, gayundin, dapat palaging may dalang pamaypay kapag lumalabas ng bahay para iwas-init.

  • Makabubuti kung iiwasan o itigil ang pani­nigarilyo kung na­ninigarilyo dahil nasa­said nito ang hormones dahilan upang mapaaga ng dalawa hanggang limang taon ang pag-menopause, samantala, kung kulang sa hormones, maaari silang resetahan ng pills ng kanilang doktor.

  • Sikaping magka­roon ng regular na eher­sisyo at magkaroon ng lifestyle modification sa pamamagitan ng pagkain ng sapat.

  • Iwasan ang processed food at instant noodles.

Gayunman, ang pina­kamabuting gawin ay regular na magpakon­sulta sa doktor para maagapan ang anumang mga posibleng sakit. Makabubuti rin ito dahil madaling mamo-monitor ang inyong kondisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page