Aktor tumatakbong cong., hindi Pinoy — Comelec | EDU, DISQUALIFIED
- Madel Moratillo
- May 7, 2019
- 1 min read

KINANSELA ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy (COC) ng aktor na si Edu Manzano na kumakandidato bilang kongresista ng San Juan City dahil sa isyu ng citizenship.
Sa desisyon ng Comelec 2nd Division, nakasaad na kinansela ang COC ni Manzano dahil sa hindi pagdedeklara ng tunay na citizenship nito.
Duda ang poll body sa pahayag ni Manzano na na-retain nito ang kanyang estado bilang natural-born Filipino citizen kahit na nagsilbi ito sa U.S. Armed Forces bilang U.S. citizen.
Giit ng Comelec, tinapos na ni Manzano ang kanyang pagiging Filipino citizen nang magsilbi ito sa U.S. Armed Forces.
At dahil sa kabiguang makatugon sa Philippine citizenship requirements ay hindi umano eligible si Manzano para katawanin ang San Juan City sa Kamara de Representantes.





Comments