top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

“GANO’N TALAGA, HINDI LAHAT NG PANAHON, NASA ITAAS KAMI”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7, 2019
  • 1 min read

SA gitna ng nara­ram­damang sakit sanhi ng pag­guho ng naitayo nilang dinas­tiya sa UAAP women’s volleyball, nananatiling positibo ang pananaw ni De La Salle coach Ramil De Jesus sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Season 81 noong Linggo ng hapon sa MOA Arena sa Pasay.

Sa unang pagkakataon, mula noong Season 71, bigong makapasok ang Lady Spi­kers sa UAAP Volleyball Finals matapos silang patal­sikin ng University of Santo Tomas sa Final Four round.

“Ganoon talaga. Duma­rating naman sa isang tao o sa isang team ‘yung ‘pag na-reach mo ‘yung dulo, posible kang bumagsak. Hindi naman lahat ng panahon nandoon ka sa taas, eh,” pahayag ng 11-time UAAP champion coach. “Para sa akin kasi, every year naman may nawawalang players. So, ang point ko kasi, every year, humihina ang team, pero may mga player na willing mag step-up. This time, siguro, medyo late na ‘rin nabuo ‘yung team kasi kara­mihan ng players ko galing sa injury,” dagdag pa nito.

Ayon kay De Jesus, noon lamang nakaraang Enero sila nakumpleto dahil sa mga players nilang nag­pagaling at nagpakondisyon buhat sa injury. “Kaya may point sa game na parang hindi magkakakilala, merong may mga lapses. Hindi ganoon ka-fluid ‘yung galaw,” wika pa ng multi-titled mentor.

Hindi rin ipinagkaila ni De Jesus na hirap siya at pagod sa sabay na pag-upo bilang coach ng F2 Logistics Cargo Movers na natalo sa 2019 PSL Grand Prix Finals kontra Petron at ng La Salle. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page