Surigao del Sur niyanig ng magnitude 5

NIYANIG ng Magnitude 5 na lindol ang Cagwait, Surigao del Sur, kahapon ng umaga.
Natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng lindol sa layong 81 kilometro sa bayan ng Cagwait.
Alas-9:56 ng umaga nang maitala ang lindol na tectonic ang origin at may lalim na 28 kilometro.
Wala namang naramdamang intensity dahil sa lindol.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang pagyanig ay dahil sa paggalaw ng bahagi ng Philippine Trench na nasa Mindanao.
Bagama’t, may posilibidad na magkaroon ng aftershocks, sinabi ni Solidum na wala namang inaasahang pinsala at banta ng tsunami sa lugar.





Comments