top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Sa camera lang daw mabait… SIGAW NG ASAWA NI PATRICK KAY CHESKA: PLASTIK!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
1 min read

MAY feud palang namamagitan ngayon kay Cheska Garcia-Kramer at sa asawa ng kapatid nitong si Patrick Garcia na si Nikka Garcia.

Sa Instagram post kasi ni Cheska ay may nakapansin at nag-comment na hindi na sila nagpa-follow sa isa’t isa ng kanyang hipag na si Nikka.

Si Nikka ang sumagot sa nagtanong at comment nito, “Hi! Yes we no longer have anything to do with each other. Different beliefs I guess. Thru time, the realness is revealed and sadly it was fake all along. Wish it weren’t this way but oh well, moving on. Night!!!”

Kung tama ang pagkakaintindi namin sa comment ni Nikka, sinasabi nitong “plastic” ang kapatid ni Patrick at hindi totoo ang mga ipinakita sa kanya.

Pero hindi na nagdetalye si Nikka kung bakit niya nasabi ‘yun kay Cheska, kaya marami ang naiintriga kung ito ba ang tunay na ugali ng kapatid ni Patrick sa likod ng kamera?

Isa kasi ang mag-asawang Kramer sa mga hinahangaan sa social media lalo na sa pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay na parang pamilya na rin kung kanilang ituring.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page