Pumapapel na matapang at may integridad kuno | 4 internet news sites, buking na pinopondohan ng mga
- BULGAR

- May 6, 2019
- 2 min read
ILANG araw na ang nakalipas nang nabunyag ang apat na internet news sites na mayroong malaking galit kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nabuking din na pinopondohan ang mga ito ng gobyerno ng Estados Unidos ngunit, ayaw pa ring umamin ng mga ito.
Ang apat na ito ay ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), Rappler at Vera Files.
Ang datos na mismo ang nagpakita na nabubuhay ang mga ito sa pera na ipinamumudmod sa kanila ng Amerika na galing daw sa website ng U.S. Agency for International Development (AID).
Ang PCIJ at CMFR, ayon sa datos na ito ay nakatanggap umano ng P50 milyones sa gobyerno ng Estados Unidos nitong nakaraang sampung taon.
Ang pondo ay galing sa AID, ibinigay sa U.S. Department (department of foreign affairs nila) na siya namang ipinadaan sa National Endowment for Democracy (NED). Ito raw ang nagbigay ng kuwarta sa apat na internet news sites.
Kung tutuusin, mas may integridad pa sina Jim Paredes at Rodel Jayme kaysa sa mga nagpapatakbo ng mga media na ito.
Kamakailan, kumalat sa social media ang “video” ni Paredes kung saan “nilalaro” nito ang kanyang ari, samantalang, si Jayme naman ang nabuking na nag-upload ng viral video na ang tawag ngayon ay “Bikoy” video, mapapanood dito na pinararatangan nito ang Pamilya Duterte na sangkot umano sa iligal na droga at tumatanggap ng suhol sa mga sindikato ngunit, wala itong matibay na ebidensiya.
Subalit, si Paredes ay inamin na siya ang nasa video at humingi ng tawad sa publiko.
Nawala na ang ingay ng kanyang pangalan sa publiko, gayundin, si Jayme na umamin na sa website niya nagmula ang kumalat na “Bikoy” video at tulad ni Paredes, humingi rin ito ng tawad sa pangulo at sa pamilya nito.
Gayunman, kakaiba ang mga nagpapatakbo ng PCIJ, CMFR, Vera Files at Rappler, pumapapel sila bilang matapang at may integridad kunong media.
Imbes na aminin na pinopondohan sila ng U.S. Department, sinasabi pa na pinararatangan lang sila para maipasara dahil panay ang banat nila kay Pangulong Duterte.
Alam ba nilang ang nakatuklas ng datos na pinopondohan sila ng mga Amerikano ay hindi ang gobyernong Duterte at sa halip, ang blogger na si Rey Joseph Nieto na kolumnista rin sa Manila Times?
Ibig ba nilang sabihin na bayaran ni Pangulong Duterte ang dalawang ito? Kung wala silang ebidensiya ay huwag silang magpaparatang! Bakit pinopondohan ng gobyerno ng Amerika ang mga ito?
Sa pangkalahatan, ang mga ito ay matagal nang “instrumento” ng Estados Unidos para ipakalat ang gusto nilang paniwalaan ng mga Pinoy.
Gayunman, ang mas malaking dahilan ay si Pangulong Duterte, mula nang maupo siya bilang pangulo ay nagsalita at kumikilos na hindi siya sunud-sunuran sa mga Amerikano na tulad nina ex-P-FVR at ex-P-Noy dahil pinalalapit ni Pangulong Duterte ang Pilipinas sa China na ayaw naman mangyari ng U.S. Department dahil matatalo sila nito bilang superpower sa Asya.
Ano ba ang tawag sa mga taong utusan ng banyagang gobyerno?
Sa kasong ito, sinisiraan pa nito ang pangulo. Traydor sa bayan nila, ano pa?





Comments