top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Paraan kung paano maging miyembro ng samahang maralita ng PCUP, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2019
  • 2 min read

MARAMI nang nagkakainteres at nagtatanong kung paano maging miyembro sa Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP bilang samahang maralita o maging mga indibidwal dahil sa ating three priority programs.

Para sa inyong kaalaman, ang mga accredited na samahang maralita ay unang makatatanggap ng mga benepisyo sa priority programs ng PCUP na Adopt-a-Community, Urban Poor Privilege Card at PCUP Caravan kaya mas mainam nang mai-accredit ang ating samahan.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Interesado kami tungkol sa mga magagan­dang plano ng inyong ahensiya para sa mga maralitang tagalungsod. Nais naming malaman kung paano magpa-member sa urban poor? — Jose

Sagot

Kung ang inyong tinutukoy ay accreditation, maaari kayong kumuha ng application form sa ating opisina sa 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o humingi nito sa area coordinators na naka-assign sa inyong lugar.

Para mag-apply, ipasa lamang sa PCUP ang mga sumusunod: (1) nasagutang application form, (2) listahan ng opisyales kalakip ang photo, address at contact numbers, (3) listahan ng miyembro na pirmado nila, (4) history ng inyong samahan (5) kopya ng Constitution and By-Laws (CBL), (6) Minutes of CBL Adoption, (7) kopya ng Certificate of Registration sa SEC, HLURB, DOLE, CDA etc. (Optional) at (8) Php 100 na application fee.

Ang accreditation ay proseso na magbibigay ng “legal identity” sa lehitimong samahang maralita para makasama sa pagbubuo ng polisiya at proyektong makaaapekto sa ating komunidad.

Kung wala pa tayong samahan at nais nating mag-organisa, maaari tayong mag-request sa ating opisina ng organizational management training upang masimulan ang pagbubuo ng ating samahan.

Kung ang inyo namang tinutukoy ay ang pagkakakilanlan bilang bahagi ng urban poor sector tulad ng ginagawang pagkilala sa mga PWD at solo parent, sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng ganitong pagkakakilanlan ang PCUP ngunit, makasisiguro tayong pag-aaralan ng ating ahensiya ang ganitong suhestiyon.

Kung may katanungan o suhestiyon, maaari kayong bumisita o mag-message sa PCUP Official FB Page na www.facebook.com/pcupPH, hanapin ang hashtag na #PCUPatyourService o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com para sa karagdagang kaalaman ukol sa ahensiya ng mga maralita.

Kung kayo ay mayroong katanungan o suhestiyon, maaari kayong mag-email o sumulat sapcup.media2019­@gmail.com, sa Official Face­book Page na www.­facebook.com/pcupPH at gamitin ang hashtag na #PCUPatyourService. Maaari rin kayong bumisita sa ating tanggapan sa PCUP Office, 4th floor DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page