Mga sikat na K-actors at K-actresses, pinangalanan na rin… LEE BYUNG HUN, HAN HYO JOO, KIM GO EUN AT

MAY mga bagong celebrities na namang sangkot sa Burning Sun Club controversy na gumimbal sa South Korea at maging sa iba pang international fans ng K-pop industry earlier this year.
Sa mga sumusubaybay sa kasong ito, matatandaang ito rin ang iskandalong kinasangkutan ng mga sikat na singers na sina Seungri ng Big Bang, Yong Jung Hyung ng Highlight, Choi Jong Hoon of FT Island at Lee Jong Hyun ng CNBLUE.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, may mga bago na namang pangalang lumitaw na ikinagulat din ng mga netizens dahil mga A-lister celebs ang mga ito na sina Lee Byung Hun, Han Hyo Joo, Kim Go Eun at Jung Eun Chae.
Nagsimula ang pagkakasangkot ng mga nabanggit na artista pagkatapos ng airing last May 4 ng Unanswered Questions ng SBS kung saan ay may isang source na nag-reveal na may isang cosmetic brand ang nagkaroon ng dinner gathering sa Burning Sun Club at nagpareserba ng mga 20 VIP tables.
Kani-kanyang espekulasyon ang mga netizens kung ano ang cosmetic brand na tinutukoy at dahil dito, nagbibigay sila ng kanilang hula kung sino ang mga artista base sa ini-endorse na cosmetic brand.
Kahapon ay nag-release na ng official statement ang management nina Lee Byung Hoon, Han Hyo Joo at Kim Go Eun.
“Hello, this is BH Entertainment. We would like to relay that Han Hyo Joo, who works as a model for JMsolution, did not attend the event mentioned in the May 4 broadcast of SBS’s Unanswered Questions.
“Han Hyo Joo is simply a model for JMsolution. She did not participate in the event and has not once stepped foot in Burning Sun.
“In addition, we maintain that none of her fellow actors in the agency attended the event.
“We will pursue strong legal action against all posts and comments on social media that damage our actors’ reputations by spreading these falsehoods. Thank you,” ang pahayag ng BH Entertainment.





Comments