top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga kandidato, kanya-kanyang diskarte na sa huling 7 araw, sayaw pa more!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2019
  • 2 min read

LUMALABAS ang resulta ng mga survey sa mga senatoriable.

Inaasahan ang malaking pagbabago sa huling pitong araw ng kampanya!

◘◘◘

MAY mga kandidato na naglabas ng bagong estilo ng propaganda sa telebisyon.

Kabilang dito ang pagsasayaw ni dating Sen. “Bong”!

◘◘◘

KAHIT ang magkapatid na magkaribal ay nagbago rin ng estilo na halatang “nagpapasari­ngan”.

Pareho silang mababawasan ng boto!

◘◘◘

SANGKATERBA rin ang propaganda ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino na umaasang makapapasok sa Magic 12.

Malalaman natin kung epektibo ito sa susunod na Lunes!

◘◘◘

SA aktuwal, kailangang mag-peak ang sinuman sa senatoriables upang makaangat pa nang todo at mapanatili ang kanilang puwesto sa Magic 12.

Tanging si Gov. Imee lang ang masasabing nagbunsod ng “peak” kasi sumuko ang kanyang karibal sa politika sa Ilocos Norte.

Inendorso pa ni Rep. Rudy Fariñas ang karibal na si Matthew Manotoc na anak ni Gov. Imee!

◘◘◘

NAGPAKUMBABA rin si Fariñas kay Gov. Imee at nilinaw na suportado niya ang gobernadora.Hindi biro ang “peak” na ibinigay ni Fariñas.

Walang duda, papasok si Gov. Imee sa Top 3!!

◘◘◘

KAKAIBA rin ang bagong political ads ni Gov. Imee, nakadiretso sa estatistika at malinaw ang mensahe.

Isusulong niya sa buong bansa kung ano ang ginawa niya sa kanyang lalawigan!

◘◘◘

SIYEMPRE, nakatulong din ang pag-endorso ng kanyang kapatid na si dating Sen. “Bongbong”.

Meaning, ang 14 milyon boto ni Bongbong ay maaaring makopo mismo ng kanyang kapatid!

◘◘◘

SINO kaya ang magiging no.1 sa Magic 12?

Matindi ang pressure kay Sen. Grace kung maipreserba niya ang kanyang posisyon.

Gamit ni Poe ang “Ang Probinsyano” at ang kanyang nanay!

◘◘◘

Sa oposisyon, matindi ang banta na ibinibigay nina Sen. Bam Aquino at dating Senador Mar Roxas.

Kung may papasok sa LP, sina Aquino at Roxas ang maaaring makalusot, sumasabay sila sa “trending”!

◘◘◘

PERO, kakaiba ang pag-angat ni Manong Johnny na naiiwan sa umpisa ng kampanya, pero ngayon ay nasa laylayan na ng Magic 12.

Kaunting kiliti pa, maaaring maging “happy ulit” si Enrile.

Pero, sino kaya ang “muling malulungkot” o “mabibitin”?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page