Hitman at pusher nanlaban sa pulis, tigok
- Mylene Alfonso
- May 6, 2019
- 1 min read

PATAY ang dalawang lalaki kabilang ang pusher at hitman habang nasa watchlist ang isa nang manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District-Station 5 sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO), kamakalawa sa Baseco Compound, Port Area, Manila.
Kinilala ni PMSgts. Joseph Kabigting at John Bucad ang mga suspek na sina alyas Dodong, sinasabing hitman at kilabot umanong drug pusher at Jeffrey Commendador, 26, alyas Jerome na kabilang sa drug watchlist.
Sa imbestigasyon, alas-3:15 ng hapon nang mangyari ang engkuwentro sa Block 15, malapit sa Sto. Niño de Baseco Parish at Corazon Aquino Health Center sa Baseco, Manila.
Nanlaban umano ang mga suspek kaya nauwi sa palitan ng putok ang operasyon sa lugar.
Sinabi naman ni P/Lt. Colonel Igmedio Bernaldez na apat ang dinakip sa isinagawang SACLEO sa nasabing lugar.





Comments