top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Dokumento ng mga biktima sa "Oplan Tokhang", pili lang ng OSG?!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
2 min read

NOONG Abril, pinuna ng Korte Suprema ang pagsumite ng Office of the Solicitor General (OSG) ng piling doku­mento ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga biktima sa kampanya ng admi­nistrasyon kontra sa iligal na droga. Ang iniutos ng mataas na hukuman ay ang pagsumite ng lahat ng dokumento.

Ang pagsumite ng piling dokumento ay tila paraan para maantala ang imbestigasyon o para maantala na makita ng publiko ang laman ng mga dokumento. Nagpa­hayag ang Korte Suprema na ang mga dokumento ay walang kinalaman sa “national security”, isa pang idinahilan ng OSG kung bakit hindi ibinigay ang lahat ng dokumento.

Ang akala natin, isa sa mga ipinagmamalaki ng administrasyon ang Freedom of Information? Bakit tila pinipili ng OSG ang mga dokumento hinggil sa “Oplan Tokhang”? Kung noong Abril pa ito iniutos ng mataas na hukuman, ano na ang nangyari, sumunod na ba sila? Bakit ayaw ipakita o isapubliko ang mga dokumentong ‘yan?

Samantala, patuloy pa rin ang madugong kampanya kontra sa iligal na droga kaya paniguradong nadaragda­­gan lang ang mga dokumentong ‘yan.

◘◘◘

May nakausap tayong may kakilalang doktor sa health center ng malaking siyudad. Idinaraing nila na kulang daw ang mga doktor at nurse sa health center at may mga pagka­kataon na sila pa ang nagiging masama sa mata ng mga pasyente. Isipin na lang natin na napakaraming pasyente ang dinadala o pumupunta rito sa loob lamang ng isang araw tapos sobrang kulang ang mga opisyal sa ospital upang maasikaso ang lahat.

Ito ang estado ng kalusugan ng bansa. Kulang ang mga doktor, nurse at iba pa, kulang lahat maging ang pasilidad at kagamitan. Gayunman, hindi lang ang mga health center ng gobyerno ang may kakulangan ng tauhan kundi maging ang mga kilala o mamahaling ospital ay may kakulangan din ng mga opisyal.

Marahil, hindi talaga matapatan ng sahod sa bansa ang kanilang maaaring kitain sa pagtatrabaho sa ibang bansa, lalo na at may mga bansang nagbubu­kas pa ng maraming trabaho para sa mga nurse.Siguro, kung matatapatan lang sana ang sahod, hindi na kaila­ngang umalis para mangibang-bansa. Nakalulungkot dahil kapag nagpatuloy ito, may matitira pa ba? Sino pa ang magtatrabaho sa industriya ng kalusugan?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page