Bagyong Fani humagupit 12 TODAS SA INDIA
Jersey Sanchez
May 6, 2019
1 min read
PATAY ang 12 katao sa silangang bahagi ng India matapos mag-landfall ang Bagyong Fani na may dalang hangin na may lakas na 200 kph.
Sa ngayon, patungo ang Bagyong Fani sa Bangladesh kung saan inilikas na ang milyun-milyong residente upang masiguro ang kanilang kaligtasan habang inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo.
Kinumpirma naman ni Odisha’ Special Relief Commissioner Bishnupada Sethi na nasa 116 katao ang nasugatan.





Comments