Sangkot sa droga | 2 LALAKI UTAS SA 2 RIDING-IN-TANDEM
- Jeff Tumbado
- May 5, 2019
- 1 min read

DALAWANG lalaki na umano’y iniuugnay sa kalakalan ng iligal na droga ang nasawi matapos silang pagbabarilin sa Bgy. Dumlog, Talisay City, Cebu.
Una nang dinakip sina Alvin Cueva, 44, at Joel Generalao, 31, sa anti-drugs operation sa Bgy. Lawaan noong Holy Week at nakalaya makaraang magpiyansa.
Biyernes ng hapon nang tambangan ng apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo sina Cueva at Generalao habang lulan naman ang mga ito sa taxi sa Bgy. Dumlog, pasado alas-5:00 ng hapon.
Galing umano sa Talisay City Palace of Justice ang mga biktima para maglagak muli ng panibagong piyansa sa kasong illegal possession of drugs and drug paraphernalias.
Ayon kay Police Major Ardioleto Cabagnot, posible umanong may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa dalawa lalo na’t nagbibigay na ng ilang sensitibong impormasyon ang mga ito sa mga awtoridad kaugnay ng kanilang operasyon sa pagsusuplay ng shabu sa lungsod.
Batay sa nakuhang impormasyon, si Cueva ay kilalang supplier ng shabu habang si Generalao, ang kanyang runner.
Ligtas naman sa insidente ang driver ng taxi habang naka-recover ang SOCO operatives sa lugar ng krimen ng nasa 18 basyo ng bala mula sa .9mm pistol.





Comments