top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Oposisyon lalong nabaon sa survey, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
May 5, 2019
1 min read

UMAMIN na ang website developer na nag-upload ng “Bikoy” video.

He-he-he!

◘◘◘

YUMAO na si dating House Speaker Prospero “Boy” Nograles.

Isa siya sa naging karibal sa politika ni P-Digong sa lalawigan ng Davao!

◘◘◘

NAGMARKA ng excellent si P-Digong sa huling survey sa kanyang satisfactory rating.

Nabaon nang todo ang oposisyon!

◘◘◘

BUMAGSAK ang isang eroplano ng Boeing 737 sa isang ilog sa Florida, USA.

Buwenas nila, buhay ang lahat ng sakay!

◘◘◘

NAKAPASA sa Bar exam ang anak ni Sen. Leila de Lima.

Salamat sa saging na saba!

◘◘◘

HALOS alam na ang mga senador na papasok sa Senado.

Presidential elections na ngayon ang pinag-uusapan!

◘◘◘

POSIBLENG makaribal ni Inday Sara si Sen. “Ping” Lacson.

Si Sen. Lacson pa lamang ang lumulutang na makakaribal ni Mayor Sara.

Hintayin natin ang deklarasyon ni Pareng Amay Bisaya!

◘◘◘

INAMIN ni Sen. Lacson na may mga kumukumbinse sa kanya na kumandidato sa 2022 Presidential Elections.

Pero, nilinaw niyang kailangan muna niyang makita ang “bilang” o resulta ng survey na may tsansa siyang magwagi.

Kumbaga, praktikal na siya!

◘◘◘

Sa totoo lang, sa U.S., hindi resulta ng “survey” ang hinihintay kundi resulta ng “fund raising campaign”.

Ganyan din sa Pilipinas, kuma­kandidato ang mga aspirante kapag may “nag-alok” ng dambuhalang pondo.

Manalo o matalo, “safe” ang mga kandidatong Pinoy!

◘◘◘

ANG 2022 Presidential Elections ay hindi halalan para sa mga Pinoy o kapalaran ng Pilipinas.

Nakataya sa 2022 ang “kapa­laran ng U.S. at China”!

◘◘◘

MAGSASAGUPA sa 2022 Presidential Elections ang campaign fund ng U.S. kontra sa pondo mula sa mga Chinese.

Sen. Lacson o Mayor Sara; U.S. o China?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page