Mga holdaper na ayaw makatay at maisilid sa trash bag, magbago na kayo!
- BULGAR

- May 5, 2019
- 2 min read
KAYA WALANG NAHUHULING BIGTIME DRUG LORD, WHISTLEBLOWER KASI ANG IPINAHUHULI — Matapos maglaan ng P10 million reward ang Duterte gov’t. para madakip si ex-Police Col. Eduardo Acierto, ang dating anti-drug enforcer na nagbulgar na drug lord daw ang economic adviser ng pangulo na si Michael Yang ay nagsanib-puwersa na ang PNP, NBI at AFP sa pagtugis kay ex-Col. Acierto.
‘Yan ang dahilan kaya walang nahuhuling bigtime drug lord ang Duterte govt’. kasi imbes na drug lord ang patungan ng malaking reward sa ulo upang mahuli, ang ipinahuhuli ay ang “whistleblower”, boom!
◘◘◘
PAGPAPALAYAS NI MAR SA MGA ILLEGAL CHINESE WORKER, HINDI UMUBRA DAHIL LAGAPAK PA RIN SIYA SA SURVEY — Walang patol sa taumbayan ang sinabi ni ex-DILG Sec. Mar Roxas na kapag naging senador ulit siya ay gagawa siya ng batas para palayasin sa bansa ang sangkaterbang illegal Chinese workers sa Pilipinas.
Nasabi nating walang patol kasi sa latest survey ay lagapak pa rin ang kanyang ranking sa mga senatoriable, he-he-he!
◘◘◘
MGA ‘TRAYDOR’ SA PDP-LABAN, TAGILID KAY P-DUTERTE — Ayon kay Sen. “Kiko” Pangilinan, palihim daw na sumusuporta sa “Otso Diretso” senatorial candidates ang mga miyembro ng PDP-Laban na dating kapartido nila sa Liberal Party (LP).
Naku, kapag nalaman ni P-Duterte kung sinu-sino ang mga “traydor” na dating LP na kasapi ngayon ng PDP-Laban na sumusuporta sa kandidatura ng mga “dilaw politician”, malamang sa susunod na maglabas ng druglist ang pangulo ay kasama na ang mga pangalan nila, boom!
◘◘◘
KUNG AYAW MATADTAD NG SAKSAK AT ISILID SA TRASH BAG, DAPAT MAGTINO O MAGBAGONG- BUHAY NA ANG MGA HOLDAPER — Nakilala na ang bangkay ng lalaking natagpuang tadtad ng saksak na nakasilid sa malaking trash bag sa Malabon City noong Biyernes at siya ay si Emerson Gamba, ang holdaper na nakunan ng dashcam at nag-viral sa social media habang hinoholdap ang taxi driver noong Pebrero 2019.
Kaya kayong mga holdaper, tantanan na ninyo ang panghoholdap dahil kapag hindi kayo naglubay, tadtad ng saksak ang aabutin ninyo sa mga vigilante at sa lalagyan ng basura rin isisilid ang bangkay ninyo, pramis!





Comments