top of page
Pokwang.jpg

Mayor, tinuluyan sa environmental fee

Mylene Alfonso
May 5, 2019
1 min read

IPINAGHARAP ng kasong katiwalian at pagla­bag sa Philippine Mining Act sa Ombudsman ang alkalde ng Lian, Batangas kaugnay sa umano’y pakikipagsab­watan sa ilang korporasyon upang masalaula ang kanilang kalikasan.

Sa pitong pahinang rek­lamo, nais ng complainant na si Dennis Ilagan na pata­wan ng preventive suspen­sion at masampahan ng ka­song kriminal si Mayor Isa­gani Bolompo kasama si Exequiel Robles, pangulo ng Sta. Lucia Land Incorporated.

Ipinagharap din ang alkalde ng kasong paglabag sa Code of Conduct of Go­vernment Employees.

May kinalaman ito sa pagbibigay umano ni Bo­lompo ng developmental per­mit ang korporasyon sa proyekto nito sa bayan ng Lian kahit wala umanong environmental clearance certificate mula sa Depart­ment of Environment and Natural Resources (DENR), gayundin ng mga certifica­tion mula sa Department of Agrarian Reform at Housing and Land Use and Regula­tory Board (HLURB).

Nauna nang nagpalabas ang DENR ng cease and de­sist order laban sa anumang development na magdudu­lot ng pagkasira ng bundok at polusyon sa karagatan.

Sa kabila ng kautusan ng DENR, nagpatuloy naman ang operasyon ng illegal mi­ning o quarrying sa 84 hec­tares ng lupain sa Bgy. Ma­tabungkay.

Nahaharap din umano si Bolompo sa kasong mal­ver­sation of public funds dahil pangongolekta ng en­viron­mental users fee. “Parang toll fee dahil ang sinumang papasok sa Matabungkay kahit hindi naman pupunta sa beach at may bibilhin lamang sa tin­dahan ay hihingan agad ngP25 para raw sa environ­mental fee,” ani Ilagan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page