Depressed, binu-bully, gustong mag-suicide etc. — DOH | HOTLINE PARA SA MGA PROBLEMADO
- Madel Moratillo
- May 5, 2019
- 1 min read

BINUKSAN na ng Department of Health (DOH) ang national crisis hotline na layong tulungan ang mga taong may problema sa mental health.
Layon nitong mabigyan ng counseling ang may psychiatric emergencies at mapigilan ang mga insidente ng suicide.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang crisis hotline ay pangungunahan ng National Center for Mental Health (NCMH), na may mga tauhang sinanay sa tamang paghawak ng mga ganu’ng uri ng sitwasyon 24/7.
Maaaring tumawag sa hotline na 0917-899-USAP (8727) o 0917-989-8727. Sinabi ni Duque na nais nilang iparating sa mga taong may mental health problem na hindi sila nag-iisa at mayroon pang pag-asa. Ayon naman kay NCMH officer-in-charge (OIC) Allan Baquir, ang ino-offer ng hotline ay assistance sa mga caller na nakararanas ng depression, suicidal thoughts, substance abuse adiksiyon at iba pang mental health concerns. Maaari ring tumawag sa hotline ang mga nangangailangan ng mental health assistance tungkol sa gender identity at sexual orientation, school at career, domestic abuse, sexual abuse at iba pa.





Comments