Bangkay ng babae natagpuan sa kalsada
- Janice Baricuatro
- May 5, 2019
- 1 min read

PATAY na ang duguang babaeng natagpuan ng mga residente na nakabulagta sa kalsada ng isang subdivision sa Gen. Trias sa Cavite kahapon.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:20 ng madaling-araw nang makarinig ng malakas na sigaw at komosyon ang mga residente sa Lucena Subdivision, Coastal Pria, Bgy. Pinagtipunan, Gen Trias City, Cavite.
Dahil doon, nagsilabasan ang mga residente upang tingnan ang pinanggalingan nito at doon nila nakita ang walang buhay na katawan ng babae na duguan.
Nakilala ang biktimang si Maureen Gallegos, 23, office staff sa HRD EPZA. Hindi pa matiyak ang istorya sa krimen pero, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek at motibo rito.





Comments