3-YO GINTONG LAHI STAKES RACE SA SLLP

MAGKAKAHARAP ang 12 kabayo sa 3 Year Old Gintong Lahi Graduate Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ngayong hapon.
Kasabay nito, bibitiwan din ang 2019 Philracom Sponsored Benefit Race at 2019 Philracom Ratings Based Handicapping System sa nasabing karerahan. Magtatagisan ng galing ang mga kalahok na couple entry Money For Tony, My Sheltex, Shanghai Noon, The Accountant, Jayz, Coup D’ Etat, Toy For the Bigboy, PeterSaints, Real Gold, Mount Dulang Dulang, Serafina at Storm Bell.
Pinapaboran ang Couple Entry na Money For Tony, My Sheltex at Real Gold habang ang Serafina, Shanghai Noon, Jayz at The Accountant ay kabilang sa mga makakalaban. Tatanggap ng P1.2-M, ang tatanghaling kampeon, mag-uuwi ng P450,000 ang tatanghaling 2nd place, P250,000 ang 3rd place at P100,000 ang 4th place.
Mag-uumpisa ang Philracom Sponsored Benefit Race sa Race 1 at nakalalamang ang couple entry na Pendant at Corazon at makakalaban ang Foolish Heart at Multi Awardee. Kasabay nito, maghaharap ang anim na kalahok sa Philracom Sponsored benefit Race sa pangunguna ng Mini Model, Don’t Underestimate, Silver Glow, The Barrister, Pagkakataon at Lemonada sa Race 6.
Susunod na Philracom Sponsored Benefit Race Class 4 ang paglalabanan ng mga kalahok na Almond Star, Plus, Hayley Margarette, Apollo of Aquila, Rocking Star, Humble Submission, Gold Sunrise, Doña Susan, Ashea’s Will, Mahilig, Twilight Ingrid at Diamond Boy. Pinapaboran ang mga kalahok na Ashea’s Will, Gold Sunrise, Rocking Star at Hayley Margarette sa Race 7.
Pinapaboran ang Box Office sa Philracom Sponsored Benefit Race at makakalaban ang Wonderland, Metamorphosis, Disyembreasais, couple entry na Tap Dance at Eugene Onegin sa Race 8. Gaganapin ang dalawang Condition Race 20 at 19 sa Race 2 at 3 habang tatlong karera ng Philracom-RBHS ang gaganapin sa Race 9 at Race 11.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Entry No. 6 Multi Awardee (14) Foolish Heart (7) Race 2- Indelible Quaker (3) Double Rock (2) Awat na Boy (6) Race 3- Cost Less (4) Marino Ng Tanglaw (6) Race 4- Real Gold (8) Entry No.1 The Accountant (4) Race 5- Don Anton (3) Lucky Saver (4) Race 6- Lemonada (6) The Barrister (4) Race 7- Gold Sunrise (7) Ashea’s Will (9) Race 8- Box Office (7) Entry No.1 Entry No.3. Race 9- Humuhumunukunuku (3) Cassie Dear (10) Briliant Move Race 10- DaanBantayan (10) Entry No.2 Race 11 -Mr. Bourbon Entry No.4 Apo (8)





Comments