Sobrang epal, batas binabastos — Comelec | LAHAT NG KANDIDATO, PASAWAY!


KINUMPIRMA ng Commission on Election (Comelec) na habang papalapit ang halalan, parami nang parami ang mga kandidatong nagiging pasaway.
Halos lahat na umano ay lumalabag sa mga Comelec rules ngayong eleksiyon.
Ito ay kabaliktaran umano sa inaasahan na habang papalapit ang halalan at habang pinaiigting ng ahensiya ang pagpapatupad ng iba’t ibang panuntunin ay tumitino sana ang mga ito.
Sa panayam kay Comelec Spokesman James Jimenez, base sa rekord nila ay tila sinasadya na ng mga kandidato ang lumalabag sa kanilang mga panuntunin, lalo na sa paglalagay ng mga campaign posters sa mga hindi common posting area dahil nagiging agresibo na sila sa pangangampanya at pagpapakilala sa mga botante.
Tiniyak naman na habang nagiging pasaway ang mga kandidato ay nagiging agresibo rin umano ang Comelec upang makahanap sila ng paraan para maparusahan ang mga ito dahil sa kanilang mga paglabag. (BRT)





Comments