top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sintomas ng prostate enlargement

Writer: BULGAR
BULGAR
May 4, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Senior citizen ang aking tatay at mada­las niyang iniinda sa nanay ko ang hirap nito sa pag-ihi. Mata­gal na naming sinabi na magpatingin na siya sa doktor, pero matigas ang ulo nito at tinitiis lang niya. Ang sabi naman ng pinsan ko ay baka raw prostate enlargement ito dahil hirap din daw sa pag-ihi ang nararana­san ng uncle ko na mayroon nito. Maaari ba ninyong pakitala­kay ang tungkol sa prostate enlargement at ang mga sintomas nito? Gayundin, ka­pag ba may enlargement ay magiging cancer na ito? — Marx

Sagot

Ang prostate enlargement o benign prostatic hyperplasia (BPH) ay ang paglaki ng prostate gland sa kala­lakihan. Ang prostate gland ay parte ng reproductive system ng mga lalaki na matatagpuan sa bandang ilalim ng pan­tog. Ito ay gumagawa ng prostatic fluid na suma­sama sa semilya o sperm cells tuwing nilalabasan. Mahalaga ito dahil kailangan ng sperm cells ng protek­siyon mula sa acidity ng vagina.

Ang prostate enlargement ay karani­wang nangyayari kapag nagkakaedad ang lalaki. Natatamaan nito ang urethra (ang daluyan ng ihi palabas ng ari) kaya nararanasan ang masakit at mahirap na pag-ihi.

Madalas na ikina­babahala na ang BPH ay may kinalaman sa pag-develop ng prostate cancer ngunit, hindi ito totoo. Hindi rin ito na­ka­mamatay, pero maa­aring maging mabigat ang epekto nito. Bukod sa pagtanda, hindi pa natutukoy ang mismong sanhi ng BPH. May­roong mga pagsusuri na nagsasabing may kina­laman ito sa hormones. May mga pag-aaral ding nagsasaad na mas ma­laki ang tsansang magka-BPH ang mga lalaking mayroong diabetes at hypertension.

Narito ang mga sintomas ng prostate enlargement:

  • Masakit na pag-ihi

  • Madalas na pag-ihi

  • Hirap magpigil ng ihi

  • Hindi makaihi

  • Pagkakaroon ng dugo sa ihi

  • Paggising sa gabi para umihi

  • Mahinang pag-agos ng ihi

Gayundin, maaaring magdulot ng ibang kumplikasyon ang BPH tulad ng urinary tract infection (UTI) at mga sakit sa bato at pantog.

Kung ang mga sin­tomas ay hindi gaanong nakasasagabal, maaaring ipagpaliban ang pagpa­pagamot o operasyon ngunit, mahalaga ang regular na check-up sa doktor upang masubay­bayan ang paglaki ng prostate gland.

Narito ang lunas na maaaring maka­bawas sa mga sinto­mas ng BPH:

  • Alpha blockers tulad ng terazosin, do­xazosin at tamsu­losin — nakatutulong itong pampa-relax sa pantog at prostate upang bumuti ang paglabas ng ihi.

  • 5-alpha reductase inhibitors tulad ng finasteride at dutas­teride — pinipigil nito ang pagdami ng DHT na puwedeng maipon sa prostate at ikalaki nito.

Gayunman, sa ibang kaso, maaaring pagsa­ma­hin ang pag-inom sa mga gamot na nabanggit ngunit, makabubuti kung magpapakonsulta agad sa doktor upang mabig­yan ng karagdagang payo sa inyong karamdaman, gayundin, kung may iba pang napansing kakaiba sa katawan o sintomas ng prostate enlargement.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page