top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PRISAA SA DAVAO, AAYUDAHAN NG P3-M MATAPOS ANG PALARO

  • Clyde Mariano
  • May 4, 2019
  • 1 min read

DAVAO CITY —Bi­lang partner sa pagpapala­ganap ng palakasan, nag­bigay ang Philippine Sports Commission ng P3-M sa PRISAA (Private Schools Athletic Association) at pi­nansiyal na tulong sa host city para masiguro ang ta­gumpay ng torneo na a­arang­kada sa second week ng kasalukuyan buwan sa University of Mindanao Track and Field Oval kung saan nilaro ang school-based Palarong Pambansa.

Sinabi ito ni Commis­sioner Charles Raymond Maxey sa eksklusibong pa­nayam sa media night na di­naluhan ng national at local media at sinabi ng dating ma­mamahayag na taga-Davao ang financial assis­tance galing sa PSC para maging smooth sailing ang taunang torneo tampok ang mga atletang galing sa mahigit 400 private colleges and universities.

Matagal na nilaro sa Da­vao ang PRISAA at ngayon lang muling gagawin sa pinakamaunlad na siyudad sa Mindanao.

Pamumunuan ni Maxey ang Philippine delegation sa Arafura Games na gagawin sa Darwin, Australia na may temang “Bridging Friends Through Sports” kung saan unang sumali ang ‘Pinas noong 1997 sa pamumuno ni POC President at dating PSC Commissioner Celso Dayrit.

Ang Davao at Zambo­anga ang nag-bid na i-host ang 2019 edition at nakuha ng Davao ang hosting sa gi­nawang botohan sa Bohol.

Mahigit 30 sports and lalaruin sa week-long com­petition tampok ang mga atleta sa iba’t-ibang colleges and universities sa buong bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page