Pramis, 'di raw sineryoso ng mga bossing ng Dos… JULIA, GAME NA GAME MAGHUBAD PARA SA DARNA, PIN

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

GAME na game talaga ang young actress na si Julia Barretto na mag-audition para sa iconic superhero role na Darna.
Noong Huwebes (May 1), opisyal na inanunsiyo ng Kapamilya Network na binubuksan nila para sa publiko ang bakanteng role na Darna.
Ayon sa Star Cinema, naghahanap sila ng mga babaeng 20-26 years old, physically fit at marunong umarte.
Kasunod nito, may kumalat na video ni Julia kung saan makikitang nagmamadali siya para mag-audition para sa Pinay superheroine role.
Samantala, sa presscon ng bagong pelikula ni Julia na Between Maybes kung saan makakapareha niya sa unang pagkakataon ang magaling na actor na si Gerald Anderson, naikuwento niya ang diumano’y pag-o-audition niya para sa iconic superhero role.
Aniya, “Hindi nila ako sineryoso.”
Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, ‘Maghuhubad na ba ako? Kasi ready na ako.’ Wala, tinawanan lang nila ako. Baka ayaw nila.”
Samantala, sa kabila ng pagiging game ni Julia, mukhang hindi pa rin ito pasado sa madlang pipol dahil iba-iba ang naging reaksiyon nila nang mapanood ang naturang video ng aktres.
Narito ang ilang comments ng mga netizens:
“Parang nagbibiruan lang naman sila. ‘Di naman totoong nag-audition si Julia.”
“Haha! Not Pinay enough, not fierce enough, and masyadong patpat. So I’m glad if it’s just a joke.”
“Hindi pa siya big star. Hello, Darna ‘yan, isang malaking project. Mas humbling kung sa indie siya nag-audition.”
“Ok na ok lang sa akin siya as Darna dahil siya na bet ko noon sa mga kabataan. Sporty din naman siya and legit movie star na siya.”
“Salamat naman. Sana, matanggap si Julia para lahat ng Darna ay maganda. ‘Wag ‘yung puro hype lang.”





Comments