Perfect ito ngayong tag-init, mga besh... 7 BAGAY NA NAKAPAGPAPA-HYDRATE BUKOD SA TUBIG
- Justine Daguno
- May 4, 2019
- 2 min read

SA sobrang init ng panahon ngayon, dapat lamang na madalas tayong uminom ng tubig. Mahalaga ito upang hindi tayo ma-dehydrate. Ang coconut water o ang sabaw ng buko ay mayroong natural electrolytes na nagtataglay ng potassium at sodium, ang mga nutrient na malaki ang naitutulong upang mag-function nang mabuti ang ating katawan. Gayunman, alam ba ninyo na hindi lang tubig o buko juice ang kayang makapagpa-hydrate sa atin? Narito ang ilang bagay na maaari nating ikonsumo para stay hydrated tayo ngayong summer:
1. FREEZE HYDRATING POPS. Isa ito sa mga summer classic treat ng karamihan. Maaari itong blended fruit o flavored juices na ginawang ice popsicle. Winner ito hindi lang sa mga tsikiting kundi maging sa mga “young at heart” na trip ma-refresh ngayong summer.
2. HERBAL TEA COOLER. Bagama’t, nakade-dehydrate ang ilang uri ng tea, exception ang mga herbal tea o ‘yung mga decaffeinated na tsaa. Maaari itong haluan ng paborito nating prutas o honey upang mas maging healthy.
3. REFUEL WITH MILK. Ayon sa pag-aaral ng Journal Applied Physiology, Nutrition and Metabolism, mainam sa mga atleta ang uminom ng gatas o milk-based na mga produkto. Ang gatas ay may taglay na protein na nakatutulong upang mabilis na makapag-recharge ang katawan matapos ang physical activities o mabigat na gawain.
4. FRESH SQUEEZED JUICE. Sa totoo lang, masarap talaga ang softdrinks, lalo na sa tanghali, pero hindi ito mabuti sa kalusugan dahil mataas ang content nitong asukal at caffeine. Kung matamis at refreshing na inumin ang hanap natin, maaari tayong gumawa ng lemon o orange juice kung saan masarap na, healthy pa!
5. SMOOTHIES. Maaaring ito ay gawa sa prutas tulad ng blueberries, oranges, peaches, pineapples, raspberries, watermelon at marami pang iba. Pagsama-samahin lamang ang mga prutas at dagdagan ng katamtamang tubig o ice cubes, may instant smoothies na tayo. Ganern!
6. FLAVORED WATER. Usung-uso ngayon ang mga flavored water. Oks ito dahil kahit water-based drink, eh, refreshing pa rin. Marami rin itong taglay na nutrients na kailangan ng katawan para ma-survive ang napakainit na panahon.
7. MUNCH ON SOME LEAFY GREENS. Maraming uri ng green leafy vegetable ang mayaman sa nutrients tulad ng lettuce na may 96 porsiyento ng tubig, maaari natin itong gawing salad, haluan lamang ng fresh tomatoes at cucumber. Kaya kung tayo ‘yung tipong ng tao na hindi mahilig uminom ng tubig, mainam itong ipamalit. Okidoki?
Anumang uri ng inumin o pampalamig ang ating ikonsumo, tandaan na palagi nating i-check kung healthy ito, gayundin, huwag nating kalilimutang magdala ng inumin, lalo na ‘yung madalas lumabas ng bahay o palaging nasa biyahe.
Stay hydrated, mga pips!




Comments