top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para sa nalalapit na halalan; fake news, labanan!

  • Ryan B. Sison
  • May 4, 2019
  • 1 min read

SA bawat okasyon o pangyayari na nagaganap sa bansa, hindi mawawala ang mga taong nagpapakalat ng “pekeng balita”.

Kaya naman, hinikayat ng Presi­dential Communications Operations Office (PCOO) ang publiko na labanan ang naglipanang “disinformation news article” kaugnay sa nalalapit na halalan.

Kasunod ito ng kumakalat na mga paninira sa social media laban sa mga kandidato upang hindi sila suportahan at iboto.

Gayunman, ayon kay PCOO Sec­retary Martin Andanar, ginawa rin umano ang paalala para labanan ang nasa likod ng fake news na ibinabato ng mga kritiko ng gobyerno upang ipahiya ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya dapat maging maingat tayo upang makaiwas sa panganib dahil sa mga peke at panggulong impormas­­yon.

Siguro naman dahil sa ating mga pinagdaanan hindi lamang sa buhay kundi maging sa lipunan ay natuto na tayo at alam na natin kung ano ang tama at mali.

‘Ika nga, ang lahat ng bagay na ating pinaniniwalaan, dapat may basehan, huwag basta-basta maniniwala sa kung sinuman, partikular sa mga taong binayaran para makapanira lamang.

Sa katunayan, hindi masamang manindigan kung tama ang ipinagla­laban!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page