top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Panelo, ang Presidential Spokesperson na palaging walang alam, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 4, 2019
2 min read

SA MGA NAGING PRESIDENTIAL SPOKESMAN, SI PANELO LANG ANG WALANG ALAM SA GINAGAWA NG GOBYERNO — Nang tanungin ng mga mamamahayag si Presidential Spokes­man Salvador Panelo kung bakit sobrang laki ng P10 milyong reward na ipinatong ng Duerte gov’t. sa ulo ni ex-police Col. Eduardo Acierto, ang dating drug en­forcer na nagbulgar na drug lord umano ang economic adviser ni P-Du­terte na si Michael Yang, ang tugon ni Panelo ay hindi raw niya alam na may ganyan kalaking halaga na ipina­labas ang Ma­lacañang para madakip si ex-Col. Acierto.

Hay naku, sa lahat ng mga naging presidential spokesman, eh, si Panelo lang ang walang alam sa mga pinagga­gagawa ng pinaglilingkuran nitong gob­yerno, pwe!

◘◘◘

IMBES NA PAGBAWALAN SI CAR­DEMA NA IKAMPANYA ANG PARTY­LIST NG KANYANG MISIS, ANG GINAWA NI P-DUTERTE INENDOR­SO PA! — Imbes na pagsabihan at pagbawalan ni P-Duterte si National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na huwag nitong ga­mitin ang kanyang tanggapan para ikampanya ang partylist ng kanyang misis, eh, ang ginagawa pa ng pangulo ay inendorso pa ang partylist ng misis ni Cardema.

Ngayong mga kababayan, kayo na ang bahalang humusga kung anong kla­seng gobyerno mayroon ngayon ang Pilipinas, period!

◘◘◘

HOBBY NG DUTERTE GOV’T., MAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN SA SERBISYO — Simula ngayong araw (May 4, 2019), tataas na ang presyo ng sardinas.

Nitong nakalipas na buwan, tumaas ang toll fee, kamakalawa, tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo at ngayon, taas-presyo na rin ang instant noodles at sardinas.

Sa lahat ng naging gobyerno, Duterte gov’t. lang ang may hobby na magtaas nang magtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, buwisit!

◘◘◘

TULOY ANG BENTAHAN NG SHABU SA SAKLAAN NI “WAL­TER” SA MUNTINLUPA CITY — Hanggang ngayon daw ay tuloy pa rin ang bentahan ng shabu sa puwesto ng mga saklaan ni “Walter” sa Muntinlupa City.

O, ano, Mayor Jaime Fresnedi, “nga­nga” ka na lang ba? Aba, aksiyon na, ipadakma mo na si “Walter,” dali!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page