Nag-dive sa dagat | KELOT TUMAMA SA BATO, DEDBOL
- Paul Lamsen
- May 4, 2019
- 1 min read

HINDI na nakaahon ng buhay ang 20-anyos na binata makaraang maligo sa dagat kasama ang mga barkada kamakalawa ng hapon sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Kinilala ang nasawi na si Marvin dela Cruz, naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, bandang hapon nang magkayayaang maligo sa dagat ang biktima kasama ang mga barkada.
Nagpasikatan umano ang mga ito kung saan umakyat sa malaking bato ang biktima saka nag-dive sa dagat.
Hindi nito napansin ang malalaking bato sa tubig kung saan tumama ang kanyang ulo na sanhi ng kanyang pagkamatay.





Comments