LAMPACAN, SILVER SA MUAY CONTEST NG DARWIN GAMES
- Alvin Olivar
- May 4, 2019
- 1 min read

NAKABINGWIT si Ariel Lee Lampacan ng silver medal noong Miyerkules sa Muay Competitions ng 2019 Arafura Games na idinaraos sa Darwin Convention Centre sa Darwin, Australia.
Yumuko ang 21-anyos na si Lampacan kay Sakchai Chamchit ng Thailand, 30-27, sa final ng Senior Male Elite A 54-Kilogram Division kung kaya nakapilak lamang siya kung saan ang lahat ng kalahok ay makakukuha ng puntos para magkuwalipika sa 2021 World Games. Dismayado si Lampacan dahil hindi niya nakuha ang gold medal at aniya babawi siya sa susunod na kompetisyon.
“Bawi tayo next time sa June sa World Championship (Bangkok). Pagbubutihin ko pa ‘yung training at hahasain ko pa ‘yung galaw ko,” ayon kay Lampacan.
Ang Pilipinas ay may nakolekta nang 30 golds, 48 silvers, at 28 bronzessa hapon nagtapos na kompetisyon kahapon.
Samantala, nagsimula na ang Best Center’s Clinics para sa buwan ng Mayo sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary at sa Starmall Alabang at dalawang venues na bubuksan ngayon.
Ang sesyon sa Our Lady ay mula 8 hanggang 11:30 a.m. Martes at Biyernes para sa basketball students sa Preparatory Level at Levels 1 at 2. Ang volleyball ay mula 1:30 hanggang 4:30 p.m.
Ang Starmall ay may sesyon ng 8:30 a.m. hanggang 12p.m. para sa Preparatory Level at Levels 1 at 2 (9-11 years old) at mula 4:30 p.m. para sa Levels 1 at 2 (12-years old and above) sa Levels 3 at 4. Simula ngayon (May 4), ang Miyerkules at Sabado na sesyon ay mula 8 to 11 a.m. para sa Preparatory Level at sa Levels 1, 2 at 3. Ang iba pang batch ng level 1 ay may sesyon ng 1 to 4 p.m.





Comments