top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Comelec, dapat may direktang gabay laban sa vote-buying, hindi puro babala

Writer: BULGAR
BULGAR
May 4, 2019
1 min read

INILABAS na ang resulta ng Bar examinations.

Dumami na naman ang mga “lehitimong sinungaling”!

◘◘◘

NAGBABALA ang Comelec kontra sa vote-buying.

Isang inutil na babala!

◘◘◘

DAPAT maglabas ng opisyal na gabay o direktiba ang Comelec kung ano ang gagawing hakbang sa pagkontra sa vote-buying.

Halimbawa, kunan ng picture ang salapi at ang tumanggap.

Ebidensiya ‘yan na imposib­leng magawa!

◘◘◘

Ang lahat ng reklamo ay dapat may kasamang malinaw na ebidensiya.

Ang reklamong walang ebi­den­­siya ay alegasyon lamang kaya tiyak na idi-dismissed din 'yan ng Comelec!

◘◘◘

DAPAT maglabas ang Comelec kung paano idodokumento ang vote-buying.

Walang inilalabas ang Come­lec para gabayan ang mga magre­reklamo!

◘◘◘

PAANO makakukuha ng ebiden­siya kontra sa vote-buying?

Isang tanong ‘yan na dapat sagutin ng Comelec!

◘◘◘

HINDI sapat na huhulihin, kakasuhan o ididiskuwalipika ang mga namimili ng boto.

Pambobola lang ‘yan ng Comelec.

Kahinaan ‘yan ng kukote ng mga komisyuner!

◘◘◘

KAILANGAN munang tukuyin ng Comelec kung anu-ano ang anyo ng “vote-buying”.

Halimbawa, ang libreng pakain, inumin o regalong gadgets tulad ng t-shirt, ballpen at iba pa ay dapat ituring na isang klase ng vote-buying.

Paano ididikit o kakasuhan ang kandidato kung ang namimigay ng “regalo o cash” ay ang mga ayudante ng kandidato?

◘◘◘

KAILANGAN ang tinatawag na “direct evidence” kung saan kailangan patunayan na ang mismong kandidato ang namigay o nag-abot ng cash o regalo sa botante?

Imposibleng ebidensiya ‘yan.

Walang makakukuha ng ganyang ebidensiya.

Ibig sabihin, ang Comelec ang mismong inutil!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page