Busy lang daw | P-DIGONG, 5 DAYS WALANG PARAMDAM

LIMANG araw nang walang official schedule si Pangulong Rodrigo Duterte mula noong Lunes hanggang Biyernes.
Huling nakita ng publiko ang pangulo noong Linggo kung saan pormal niyang binuksan ang Palarong Pambansa 2019 sa Davao City.
Una rito, nanggaling si P-Duterte sa China mula April 24 hanggang 28 para sa Second Belt and Road Forum sa Beijing.
Mula noon ay wala nang naging public appearance ang pangulo at wala ring schedule na inilalabas ang Malacañang.
Matatandaang, inamin ng pangulo na siya ay nakararanas ng Buerger’s Disease, migraine at backpain.
Sinabi rin niya na sumailalim siya sa colonoscopy at endoscopy at mayroon siyang regular na blood tests.





Comments