BLUE EAGLES AT LADY TAMS, UNAHAN SA FINAL PLAYOFFS


MULING makabalik ng Finals ang tatangkain ng Ateneo de Manila University habang ikalawang sunod namang Finals appearance ng women’s division ang hangad ng Far Eastern University sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa pagbubukas ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament Final Four Round sa MOA Arena sa Pasay.
Magtutunggali ang dalawang koponan ng 4 p.m. kasunod ng sagupaan ng kani-kanilang men’s squads ganap na 2 p.m.
Umusad bilang topseed sa Final Four round, isang beses lamang kailangang magwagi ng Lady Eagles upang makasalta ulit ng finals pagkaraang mabigong makausad noong 2018.
Dalawang beses silang kinakailangang talunin ng 4th seed Lady Tamaraws para sa target nilang ikalawang sunod na finals appearance.
Ayon kay Ateneo coach Oliver Almadro, dapat pokus sila sa Final Four sapagkat ito ang daan upang muli silang makalaban sa Finals. “Ito na ‘yung simula ng totoong labanan. This is the real UAAP, the playoffs,” pahayag ni Almadro.
“Sabi ko nga, ito na ‘yung importante – ‘yung chance. Now we’re in the Final Four, we have a chance to be in the Finals. And pagta-trabahuhan naming mabuti and focused kami dito sa semifinals naman,” dagdag nito.
“Tapos na ang eliminations. One step forward na, semifinals na, so we will really pray hard and work hard to reach the championship series. So dito na nagsisimula, ito na ‘yung labanan. ‘Yung mindset namin is to really be back in the Finals.” Sa kampo naman ng kanilang katunggaling Lady Tamaraws, hindi sila bibitaw sa gameplan upang maging mas malaki ang tsansa nilang muling pumasok ng Finals.
“Laban kung laban. Sa semis wala na dapat excuses, eh. Basta ang importante, naka-focus sa game plan. ‘Yun ang orientation ng mga players,”ayon kay FEU coach George Pascua. Sa unang laban, magtatangka ang second seed Tamaraws na hindi masayang ang natamong twice-to-beat advantage sa pagharap nila sa third seed Ateneo na kailangan silang talunin ng dalawang ulit upang makasalta ng men’s finals. (VA)
Mga Laro Ngayon: MOA Arena
2 pm FEU vs. Ateneo (M)
4 pm FEU vs. Ateneo (W)





Comments