Bahay ng chairman niratrat
NUEVA ECIJA—Pinagbabaril ng mga hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa ang bahay ng barangay chairman sa San Jose City sa lalawigang ito.
Ang bahay na pinagbabaril ay pag-aari ni Chairman Roy Valencia, residente ng Bgy. Manicla sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, wala namang nadisgrasya sa naganap na pamamaril sa bahay ni Chairman Valencia.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makilala at madakip ang mga suspek na namaril sa bahay ng barangay chairman.





Comments