top of page
Pokwang.jpg

Anak ng konsehal todas sa riding-in-tandem

Jeff Tumbado
May 4, 2019
1 min read

PATAY sa pananambang ng riding-in-tandem ang 35-anyos na lala king anak ng dating opisyal sa bayan ng Sagay, Negros Occiden tal, Huwebes ng gabi.

Tig-isang tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib ang dahilan ng agarang kamatayan ng biktima na nakilalang si Christian Analucas.

Batay sa naisumiteng report kay Police Maj. Antonio Benitez, nakatayo malapit sa kanyang bahay ang biktima nang dumating ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at siya’y malapitang pinagbabaril.

Napag-alaman na kabilang si Analucas sa drug watchlists ng pulisya pero, hindi rin iniaalis sa imbestigasyon ang away sa lupa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page