top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

6 pang Nigerian arestado | MIYEMBRO NG LOVE SCAM, TODAS SA PULIS

  • Mylene Alfonso
  • May 4, 2019
  • 1 min read

PATAY ang isang Nigerian national habang arestado ang anim niyang kasamahan na miyembro ng Catfishing o Love Scam Syndicate sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cyber Crime Division, kamakalawa sa Imus, Cavite.

Kinilala ni NBI Spokesman Ferdinand Lavin ang namatay na si Orisakwe Ifeanyi Emmanuel.

Arestado naman sina Ikenna Dickson Okalla, Chukwuma George Adible, Chiboy Stanley Agbasy, Dim Remedios, Abas Kashimer at Uba Living, pawang mga Nigerian national at umookupa sa Unit 315 Isabel Building, Urban Deca Homes, Hampton, Bgy. Buhay na Tubig, Imus, Cavite.

Tinangka umanong paputukan ng pistol at hagisan ng granada ni Orisakwe ang mga ahente ng NBI pero, bago pa niya natanggal ang pin ng granada ay nabaril na siya na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinalakay ng NBI ang tinutuluyan ng mga suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng Imus, Cavite Regional Trial Court, Branch 21.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI kaugnay sa modus-operandi ng mga suspek na ang karamihan ng biktima ay mga babae na kanilang nililigawan saka pineperahan online.

Nakumpiska ng NBI sa pagsalakay ang anim na laptop, 11 mobile phones, 1 skimming device, granada, blank cards, security strips, sim cards at mga credit card.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page