top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 tulak tigok sa pulis

  • Levi Gonzales
  • May 4, 2019
  • 1 min read

DALAWA umanong pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang napatay ng mga awtoridad matapos makipagbarilan sa Bgy. District 1, Balayan, Batangas.

Sa ulat ni PCol. Edwin Quilates, sinalakay nila ang bahay ng mga suspek na sina Gerry Alaer, Castillejos, 44, may asawa, negosyante at Ulyses Pantoja, 39.

Papasok pa lamang ang tropa ng pulisya upang ihain ang search warrant at sa halip na isuko ang mga sarili, agad umano silang nagpaputok ng baril.

Gumanti ang mga awtoridad na nauwi sa pagkamatay ng dalawa.

Narekober sa crime scene ang mga baril, bala at ilang sachets ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page